Saturday, March 22, 2014

Libya Pinoy Pangit na Ugali

King inang yan!

Bat ganun may mga taong ewan. Ewan ko ba di ko alam kung anong tawag sa mga taong ito.

Punong puno ng pride.

Tingnan nyo ha ang daming pag kakataon na puede sya mag padala galing pinas ng pagkaing pinoy, seasoning, or tuyo man lang. Pero wala hindi man lang magawa, ewan ko ba. Yung mismong pinsan na nag ooffer ayaw. Pero pag ako naman ang nag papadala kung makatira ang lakas.

Ano ba tawag sa mga tong ganun? Yun bang tipong takot sa kapalit na ayaw. Example: Ganito sinasabi nya "Ayaw ko ng magpadala, baka isipin abusador ako, baka mamaya may kapalit" Alam nyo yun??? Di ko magets. Samantalang ang nag ooffer ka yung kamag anak. Haysss.

Di ko alam kung pangit ugali ko nakakaasar lang talaga ugali. Sorry sa makakabasa pero siguro nasanay lang talaga ako sa mga taong mga mababait. Hirap dito sa ibang bansa mas makikita mo ugali. Kaso yun nga para lang maiwasan ang alitan daanin nalang sa blog at least nakaka bawas isipin.

Eto habang nag ba blog ako panay kwento ng kung ano ano sa facebook samantalang mababasa ko naman. Nakakabingi panay kwento wala naman kwenta.

Siguro pangit lang ugali ko hehehe, mastado ko pinapansin yung mga bagal na hindi naman dapat talaga ugaliin at hindi talaga maiiwasan yun ugali na kasi nila.

Hays. Isa lang masasabi ko ngayun blog nato.

Kung alam mo naman sa sarili mo na pangit ang ginagawa bat hindi mo itama para masaya ang paligid at mundo. Minsan hindi lang sarili dapat iniisip dapat pangkalahatan lalot nasa ibang bansa kayo. Dapat kung may pag kakataon na makakuha ng kahit anong pagkain galing pinas samantalahin wag lang abusuhin.

Kung alam nyo dito sa Libya hindi ka basta basta makakalabas, dahil hindi pa stable ang government madami holdaper at loko loko. Kaya minsan ang kakainin mo stock na matagal na sa ref at paulit ulit.

Ngayun araw na to nakaka asar. Sorry ugali ko na to. Comment nalang kung mali sinasabi ko.

G

No comments:

Post a Comment