Thursday, March 20, 2014

My 8th month here in Libya - Start to Blog

Oist! Oist! Oist!

Yan ang tawagan namin ng wife ko, hindi tawagan ng name kung di pag tatawagin. Tingin ko 8 months na araw araw yan ang paraan para kumuha kami ng attention bawat isa. Hehehe.

Anyway wala yan wag nyo pansinin. Tungkol nga pala sa Libya ang blog ko. Pero kahit papaano connected naman. I explain ko sa mga susunod na blog :-)

8 months na ako dito sa Libya yuhuu!!! Alam nyo ba na madami nag bago sa buhay ko simula mapunta ako dito. Oo as in. Kala ko nga dati sabi nila hindi din daw ako makaka ahon kahit pumunta pa ako abroad. Pero ngaun napatunayan ko mali sila. Pero siguro tama rin sila gulo no? Depende siguro sa employer at bansa. Pero kung sa buhay ko masaya kasi nakakaahon na ako.

Dati sa Pinas uwi ng baon sa utang limitadong pagkain. Pag may gustong bilin hindi mabili, ngaun lahat puede. Lahat mabibili mo lahat ng gusto ng pamilya mo mabibigay mo. Sobrang saya.

Masaya sa pera kasi malaki sweldo compare sa pinas. Pero may time din talaga na malulungkot ka, lalot unang buwan mo at first timer ka. Mamimiss mo masasayang ginagawa mo sa Pinas kasama mo asawa mo at anak. Hayss, nalungkot ako bigla. Anyway lahat yan makukuwento ko sa blog ko dito sa Libya.

Sya nga pala ngayun Mar 20 dito sa Libya at hindi pa stable ang government puro putukan puro gulo. Ikukuwento ko yan sa mga susunod na blog.

Mar 19 gumawa ako ng Fanpage sa fb https://www.facebook.com/bosetka. May simpleng dahilan ako para gawin yun. Para malabas ko kung ano gusto ko sabihin na hindi puede sa personal profile ko. Maniwala kayot sa hindi darating ang time hindi mga Libyano makaka alitan mo kung hindi kapwa pilipino. Ginawa ko ito para narin makaiwas sa mga gulo. Naniniwala naman ako na maayos din lahat kaso iba parin yung nalalabas mo sama ng loob mo.

Haysss. Bukas ulit dont worry madami ako kwento. Mag lalaro muna kami counter strike source hehehe.

G

No comments:

Post a Comment